*Note: Ang ibig sabihin ng kabanatan ay "Resilience o Flexibility o Adapt" sa Ingles
Ano ba ang mga katangi-tanging katangian ng Pilipino? Ang kanyang lakas? Determinasyon? Pero isa sa mga tanging katangian ng Pilipino ay ang kanyang Kabanatan. Ang pagiging kabanatan ay ang pag-angkop sa kahit anong sitwasyon kahit gaano man kasama. Sinasabi ng ibang tao ang "kabanatan ng Pilipino" noong pagtatapos ng mga bagyong Ondoy at Pepeng.
Bakit ito ay Katangi-Tangi?
Katangi-tangi ito dahil ang pagiging kabanatan ay importante sa isang buhay ng tao. Ito ay dahil kung walang kabanatan ang Pilipino, mawawalan din ng pag-asa ang Pilipino dahil ang pag-asa at ang kabanatan ay magkaka-ugnay at kung wala ang isa, walang silbi na rin ang kapares niya. Tulad ng pag-asa, kung walang pag-asa, wala ring kabanatan at ang kabaliktaran.
Ito ay importante pa rin sa kasalukuyan dahil, ngayon na may bagong presidente na tayo at ngayo'y panahon na ng globalisasyon, itong pagkabanatang ito ay lalong dapat na mabigyan ng kahalagahan dahil sa bagong presidente natin, nabibigyan tayong mga Pilipino ng bagong pag-asa kahit mang mahirap ang daan papunta sa pagiging isang "First-World Country", makakayanan rin 'yan ng lahing Pilipino.
Mga Halimbawa ng Kabanatan ng Pilipino:
Pagkatapos ng dalawang malakas na bagyo, di nawalan ng pag-asa ang mga Pilipino at nagsi-ayos pa rin sila ng mga kalsada, gusali, bahay, at iba pang mga kagamitan. Ang isa pang halimbawa ay noong sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Ito ay dahil kahit sinakop na tayo ng mga Hapon, at talo na rin naman ang Pinoy, may mga Pilipinong lumalaban pa rin dahil inaasahan nilang bumalik ang mga Amerikano at tutulungan sila. Noong nakarating na nga ang mga Amerikano, sumama na ang mga Pilipino sa kanila at natalo na rin ang mga Hapon.

Sources:
Inquirer Opinions -Filipino Resilience- Based from http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20091020-231079/Filipino-resilience on July 6, 2010